Konpesyon Sa Augsburg

 Konpesyon Sa Augsburg

Artikulo 1:

Ang Diyos

     Kami’y nagkakaisang nagtataguyod at nagtuturo, na nakabasae sa Konseho ng Nicaea, na mayroong iisang Banal na Diyos, Siya ang tinatawag at totoong Diyos, mayroon  tatlong katauhan sa iisang Diyos,magkakatulad sa kapangyarihan  at Sila’y walang hanggan; ang Ama, Anak at Banal na Espirito. Tatlo sa iisang Diyos walang hanggan, walang katapusan ang Kanilang di masukat na kapangyarihan at kabutihan, nag-iisang Tagapaglikha at Tagapangalaga ng lahat ng nakikita at hindi nakikita. Ang salitang “Katauhan” ayon sa tinuro ng mga “Ama ng Smbahan” ay hindi isang bahagi o di kaya’y bahagi ng isang kabuuan kundi bukod at malaya.

     Kung kaya’t ang lahat na sumasalungat sa artikulong  ito ay hindi katanggap tanggap. Tulad ng mga Manikeyan na pinagpipikitang mayroong dalawang Panginoon, isang mabuti at isang masama; pati na rin ang mga Balentinyan, Aryan, Yonimiyan, Mohammedan at iba pang katulad ng kanilang paniniwala; kasali ang mga Samosatenes,yung makabag man o tradisyunal na nagtuturong may iisang katauhan ang nag-iisang Diyos at tinuturong ang Salita at ang Banal na Espirito ay hindi mga katuhan ng Diyos,  na ang Salita ay literal na salita o di kaya’y tinig at ang Banal na Espirito ay kaisipan na binigay ng Tagapaglikha sa mga nilikha.


Artikulo 2:

Namanang Pagkakasala

     Tinuturo din namin na buhat sa pagkakasala ni Adan lahat ng tao na isinilang sa pamamagitan ng pagsasama ng babae at lalaki  ay ipinagbuntis at isinilang na makasalanan. Kung saan, lahat ng tao ay puno ng kamunduhan na nag-umpisa nung sila’y nasa sinapupunan ng kanilang ina at walang kakayahang magkaron ng takot at pananampalataya sa Diyos. Karaddagan, itong ipinamanang sakit at kasalanan ay isang totoong kasalanan  at makakalasap ng walang hanggang parusa dahil sag alit ng Diyos.Madadanas ang kaparusahang it ang mga hindi napagbago ng Baptismo at Banal na Espirito.

     Itinatakwil naming ang mga turo ng Pelagyan na nagsasabing, ang minanang pagkakasala ay di kasalanan.  Dahil kinakatwiran nila na ang tao ay ipinanganak na may kakayahang maging marangal. Isinasantabi nito ang sakripisyo at totoong kahalagahan ni Kristo. 





Artikulo 3:

Anak ng Tao

     Itinuturo din naming na ang Anak ng Diyos ay nagging tao, ipinanganak ni Birheng Maria, at Siya’y may dalawang katauhan, Banal at tao, ang mga ito’s nasa isang katauhan ng nag-iisang Kristo, Panginoon at tao, naipanganak sa lupa, nagdusa, naipako sa krus, namatay at nailibing para magsilbing alay, hindi lamang para sa minanang pagkakasala pati na rin sa iba pang kasalanan at para na rin sa pagbawi sa parusa ng Diyos. Ang nag-iisang Kristo ay bumaba rin sa impiyerno, nabuhay mula sa pagkamatay. Sa ikatlong araw, umakyat sa langit , at ngayo’y kasama ng Diyos, upang mamuno ng walang hanggan at pangalagaan ang lahat ng nilalalng, na kaya Niyang sila’y gawing banal sa pamamagitan ng Banal na Espirito,gawing dalisay, palakasin at bigyan ng kaginhawaan ang lahat ng nananampalataya sa Kanya, upang maigawad Niya ang pagkabuhay, bawat biyaya at kanyang basbas,upang maipagtanggol at mapangalagaan Niya sila laban sa demonyo at kasalanan. Ang nag-iisang Kristo ay magbabalik upang malayang hatulan ang mga buhay at patay, na nakasaad sa Doktrina ng mga Apostoles.


Artikulo 4:

Pagwawalang Sala


     Tinuturo rin sa amin na hindi makakamit ang kapatawaran ng kasalanan at ang kabanalan sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng saririln kagalingan, gawa o di kaya’y sarili nating kalugoran, ngumit makakamit natin ang kapatawaran at pagiging banal sa harap ng Diyos dahil sa kanyang grasya , dahil kay Kristo, sa pamamagitan n gating pananampalataya, kung naniniwala tayo na si Kristo ay naipako sa krus para sa atin at para mahugasan an gating mga kasalanan tayo ay mapapatawad, magiging banal at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Dahil pinagmamasdan at pinapahalagahan ang pananampalataya ng Diyos bilang kabanalan, nasambit ito ni Pablo sa Roma 3:21-26 at 4:5.


Artikulo 5:

Ang Katungkulan ng Ministro

     Para magkaroon ng pananampalataya itinatag ng Diyos ang Katungkulan ng Ministro, sa pamamagitan nito ginagamit niyang daan upang kanyang maihatid and Banal na Espirito, na siyang nagpapakaloob ng pananampalataya, anumang oras at lugar na Kanyang naisin, sa mga nakikinig ng Kanyang Salita. At tinuturo ng Kanyang Salita na nasa atin ang mapagbiyayang Diyos, hindi dahil sa sarili nating kagalingan ngunit dahil sa kalugoran ni Kristo, kung naniniwala tayo dito.

     Sumpain ang mga Anabaptist at iba pang nagtuturo na ang Banal na Espirito ay nanggaling sa ating sariling kaluguran at sariling pag-iisip na wala ang Salita sa Banal na Kasulatan.

Artikulo VI:

Ang Bagong Pagtalima

     Tinuturo din sa amin na ang pannampalatya ay dapat magkaroon ng magandang bunga at magagandang gawain; dapat an gating magagandang Gawain ay naaayon s autos ng Diyos, ngunit kailangang gawin ito para sa Diyos at hindi nararapat sabihing ang mga gawaing ito’y ginagawa tayong banal sa mata ng Diyos.Sapagkat tayo’ynapatawad sa ating mga kasalanan at naging banal dahil sa pananampalataya kay Kristo,  “ Gayun din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo’y iniutos, inyong sabihin , mga aliping walang kabuluhan kami (Lukas 17:10). Tinuro rin ng mga Ama ng Simbahan, sabi ni Ambrose, “ Ipinasiya ng Diyos na kung sinuman ang may pananampalataya kay Kristo aymaliligtas, siya ay mapapatwad sa kanyang mga kasalanan, hindi dahil sa gawa kundi dahil sa pananampalataya lang at hindi sa sariling kalugoran.”


Artikulo VII:

Ang Simbahan

     Itinuro rin sa amin na mayroong iisang Banal na Kristiyanong  Simbahan at ito’y mananatili kalian pa man. Ito ang pagtitipon ng mga mananampalataya na pinaringgan ng Banal na Kasulatan na walang bahid at nakatanggap ng Banal na Sakramento na naaayon sa Banal na Kasulatan. Sapagkat mahalaga sa pagkakaisa ng simbahang Kristiyano  na ang Banal na kasulatan ay maipangaral na walang bahid na pagkakaintindi at mahalaga ring maipamahagi ang Banal na Sakramento na naaayon sa Banal na Salita. Hindi mahalaga sa mga Kristiyanong  simbahan sa kanilang pagkakaisa ang pagsunod sa mga seremonya na gawa ng tao, ngunit kung ito’y susundin ay dapat sundin ito sa lahat ng lugar na walang pagbabago. Ayon sa sinabi ni Pablo sa Efeso 4:4,5, “ Mayroong iisang katawan at iisang Espirito, tulad ng kayo’y tawagin sa nag-iisang pag-asa na pag-aari ng iyong tawag, isang Panginoon, isang pananampalataya, isang Baptismo.”.


Artikulo VIII:

Ano Ang Tungkulin ng Simbahan?

     Tandaan na kahit Kristiyanong Simbahan, sa katotohanan, ay ang pagtitipon ng lahat ng nananampalataya at mga santo, ngunit sa kasalukuyan maraming huwad na Kristiyano, mga hipokrito at pati na rin ang mga lantarang nagkakasala ay nananatili kasama ng mga nananampalataya, ang sakramento ay mabisa kahit na ang mga paring namamahagi nito ay mga makasalanan. Si Kristo mismo ang nagsabi, “ ang Pariseo ay nakaupo sa trono ni Moses.” (Mateo 23:22).

     Ang umayon sa mga Donatista at lahat na may salungat na paniniwala dito ay sumpain.


Artikulo IX:

     Itinuturo rin na ang Baptismo ay mahalaga at ang grasya ng Diyos ay hinahandog nito. Pati ang mga bata ay kailangang mabaptismuhan, sapagkat sa Baptismo sila ay nailalaan sa Diyos at nagiging katanggap tanggap sa kanya.

     Sa aring ito ang mga Anabaptist na nagsasabing hindi tama ang pagbabaptismo sa mga sanggol ay di katanggaptanggap.


Artikulo X:

Ang Banal na Hapunan ng Panginoon

     Itinuturo sa amin na ang totoong katawan at dugo ni Kristo ang natatanggap sa hapunan ng ating Panginoon sa kaanyuan ng tinapay at alak at ito’y naipapamahagi at natatanggap. 

    Ang mga sumalungat sa dortrinang ito ay di katanggap tanggap.


Artikulo XI:

Konpesyon

     Itinuro sa amin na ang konpesyon ay dapat manatili at di dapat magamit sa maling paraan. Ngunit sa konpesyon, hindi kailangang sabihin ang lahat ng mga pagkakamali at kasalanan, sapagkat ito ay hindi makatotohanan. Salmo 19:12, “ Sino ang may kayang mawari ang kanyang mga pagkakasala.”.


Artikulo XII:

Pagsisisi

     Tinuro sa amin na yung mgs nagkasala pagkatapos mabaptismuhan ay napapatawad kung sila’y humingi ng kapatawaran, at ang konpesyon ay di dapat ipagkait ng simbahan. Sa totoo lang, ang tunay na pagsisisiay ang pagkakaroon ng pagpapakumbaba at kalungkutan, o di kaya’y pangamba dahil sa kaslanang nagawa, at sa paniniwala sa Banal na Kasulatan at pagpapatawad (kung saan, ang pagkakasala ay napatawad na at ang grasya ay nakamit na sa pamamagitan ni Kristo), at ang pananampalatayang ito ay magdudulot ng kaginhawaan ng puso at katahimikan. Ang pagbabago ng buhay at ang pag-iwas sa kasalanan ay dapat sumunod sapagkat ang mga ito’y bunga ng pagsisisi na siyang nabanggit ni Juan,” Magbunga ng prutas na naaayon sa pagsisisi.” (Mateo 3:8).

     Hindi katanggap tanggap ang mga taong nagtuturona ang taong nagging banal ay hindi na nagkakasala.

     Sa kabilang banda, sumpain ang mga Nobasiyan na hindi nagbibigay ng konpesyon sa mga nagkasala pagkatapos mabaptismuhan.

     Hindi rin katanggap tanggap ang mga nagtuturong ang kapatawaran ay hindi nakakamit sa pananampalataya kundi sa mga gawain ng tao.


Artikulo XIII:

Ang Gamit Ng Mga Sakramento

     Tinuro rin sa amin na ang mga sakramento ay ipinapamahagi hindi upang ang mga tumatanngap nito ay taguriang Kristiyano, ang mga ito’y senyales at testimonya ng kalooban ng Diyos sa atin upang mabuhay at tumatag ang ating pananampalataya. Sapagkat  kailangan nito ng paniniwala, at natatanggap ito ng tama kung ito’y natannggap na may pananampalataya at upang tumatag ang pananampataya sa Diyos.

Artikulo XIV:

Utos Ng Simbahan

   Tinuro sa amin na walang maaaring magturo, mangaral at mamahagi ng sakramento na hindi tinawag at pinahintulutan ng simbahan.


Artikulo XV:

Ang Mga Tungkulin Sa Paggamit Ng Simbahan

     Sa usaping mga tungkulin sa paggamit ng simbahanna itinayo ng mga nilalang, tinuro sa amin na ang mga tungkulin sa paggamit ay dapat sundin at ito’y sundin na walang bahid na ksasalanan na maaaring magbigay ng kapayapaan at maayos na samahan sa simbahan, na nag ilan sa mga ito’y mga Banal na Araw, mga pagdiriwang at iba pa. Ngunit kailangan natin itong sundin na may paalala upang ang konsensiya nati’y hindi magduda sa paniniwalang ang pagsunod sa mga ito’y kail;angan para maligtas. Karagdagan, ang mga ordinansa at tradisyon na ginawa ng tao para suyoin ang Diyos at makuha ang Kanyang grasya ay salungat sa Banal na Kasulatan at mga turo ni Kristo tungkol sa pananampalataya. Alinsunod sa mga panata ng monghe, tradisyon sa pag-ayuno, natatanging mga araw at iba pa. Kung saan ang layunin nito’y makamit ang grasya at kapatawaran ng kasalanan, ay walang silbi at salungat sa Banal na Salita.




Artikulo XVI:

Ang Gobyernong Sibil

     Tinuro sa amin na ang lahat ng gobyerno sa mundo at lahat na tinatag na alituntunin at batas ay tinatag at tinadhana ng Diyos para sa kapayapaan, upang nag mga Kristiyano ay magsilbi sa gobyerno na walang bahid na kasalanan o di kaya’y maging prinsipe at hukom, na magbibigay ng mga hatol at sentensiya na naaayon sa batas ng imperyo at iba pang batas, magbigay ng marahas na parusa sa mga nagkasala, maglingkod bilang sundalo. Mangalakal at magbenta, manumpa, magkaroon ng ari-arian, magpakasal at iba pa.

     Sumpain ang mga Anabaptist na nagtuturo na lahat ng nabanggit ay hindi gawaing Kristiyano.

     Sumpain din ang mga nagtuturo na ang tunay na gawaing Kristiyano ay ang pagtalikod  sa tahanan at tintirhan, asawa at mga anak at pagtalikod sa mga nabanggit. Sa katunayan, ang totoong gawaing Kristiyano ay ang pagkakaroon ng takot sa Diyos at tunay na pananampalataya sa Kanya, dahil ang Salita ng Diyos ay hindi panglabas at panandaliang kabanalan ang tinuturo ngunit ang tinuturo nito’y ang pagpapasaloob at walang hanggang kabanalan ng puso. Hindi kinakalaban ng Salita ang gobyerno, ang lipunan at ang kasalang sibil ngunit bagkus dapat sundin bilang utos ng Diyos at para sa lahat, na naaayon sa kanyang naibigay na tungkulin, ito’y nagpapakita ng pag-ibig ng isang Kristiyano at totoong magandang Gawain anuman ang estado sa buhay. Naaayon na ang mga Kristiyano ay may responsibilidad na respetuhin ang kani kanilang gobyerno at sundin ang mg autos at mga batas na puwedeng gawin ng walang bahid na kasalanan. Ngunit kung ang utos ng gobyerno’y hindi magagawa ng walang sala, dapat nating sundin ang utos ng Diyos kaysa sa tao ( Gawa 5:29).

Artikulo XVII:

Ang Pagbabalik Ni Kristo Para Maging Hukom

     Tinuturo rin sa amin na ang Panginoong Hesu Kristo ay magbabalik sa huling araw para maging hukom at bubuhayin ang lahat na mga patay, para maghatid ng walang hanggang buhay at walang hanggang kaligayahan sa mga nananampalataya at sa mga napili ngunit Siya’y maghahatid din ng parusa sa mga walang pananampalataya at demonyo sa impiyerno at walang hanggang kaparusahan.

     Sumakatuwid, di katanggap tanggap ang mga Anabaptist na nagtuturo na ang demonyo at mga walang pannampalatayaay hindi magdudusa at mapparusahan ng walang hanggan.

     Hindi rin katanggap tanggap ang mga pag-iisip ng ilang Hudyo na kung saan hanggang ngayon ay nagtuturo nab ago ang muling pagkabuhay ng mga patay, ang mga santo at mananampalatayaay maghahari sa mundo at bibigyang wakas ang mga walang pannampalataya.




Artikulo XVIII:

Kalayaan Sa Pagpili

Tinuro rin sa amin na ang tao’y may kakayahang mamilai na siyang ginagamit upang magkaroon ng marangal na buhay at makagawa ng desisyon na naaayon sa kanyang pagkakaintindi. Ngunit kung walang biyaya, tulong at gawa ng Banal na Espiritosa isang tao ay hindi niya kakayaning maging katanggap tanggap sa Diyos, na magkaroon ng takot sa Diyos at tunay na pannampalataya sa Diyos ng buong puso, o di kaya’y ang kakayahang iwaksi ang kamunduhan sa kanyang puso. Ito lamang ay kayang gawin ng Banal na Espirito, na siyang ipinagkaloob ng Salita ng Diyos, ika nga ni Pablo sa I Corinto 2:4, “Hindi natanggap ng tao ang mga ipinagkaloob sa Espirito ng Diyos.”

     Para sabihing ang mga turong ito’y hindi panibago, ang mga salita ni Augustine ukol sa malayang pamimili ay nakasulat sa kanyang ikatlong libro na pinamagatang “Hypnognosticon”. Kami’y sumasang-ayon na ang lahat ng tao’y may kakayahang mamili, sapagkat lahat ay ipinanganak  na mayroong kakayahang umintindi at magdahilan. Ganun pa man, hindi nangangahulugang kakayanin ng tao ang umintindi ng natutungkol sa Diyos ( tulad ng pagmamahal sa Diyos ng buong puso o di kaya’y ang matakot sa Diyos), sapagkat sa panlabas na gawain sa kanilang buhay lamang sila may kalayaang mamili kung anong tama o mali. Ang ibig sabihin ng mabuti ay kung ano ang kayang gawin sa sariling pag-iisip at kalakasan; tulad ng pangbungkal sa bukid o hindi; anf kumain o hindi; ang uminom o di kaya;y bumisita ng kaibigan; ang manumit o di kaya’y maghubo; ang magpatayo ng bahay; ang mag-asawa; ang magnegosyo, o di kaya’y gumawa ng mabuti at kapakipakinabang. Wala ang mga ito kung wala ang Diyos, lahat ng bagay at nagmula sa Kanya. Sakabilang banda, sa kanyang malayang pagpili ay maari ring piliin ng tao ang masama, tulad ng pagpili na lumuhod sa diyos-diyosan, pumatay at iba pa.


Artikulo XIX:

Ang Pinagmulan Ng Kasalanan

     Tinuro sa amin na kahit ang Diyos ay lumalang at pinapangalagaan ang Kanyang nilalang, ganun pa man ang kasalanan ay nagmumula sa mga makasalanang tao at sa mga galit sa Diyos dahil sa lihis na kagustuhan. Ito ang kagustuhan ng demonyo at lahat ng walang pananampalataya; sa oras na alisin ng Diyos ang kanyang panngangalaga, ang kagustuhan ay lumalayo sa Diyos at nappalapit sa demonyo. Si Kristo mismo ang nagsabi, “Kung nagsinungaling ang demonyo, siya ay nagsasalita sa kanyang sariling katauhan.”



     


Artikulo XX:

Ang Pananampalataya At Magandang Gawain

     Ang aming mga guro ay naaakusahan na hindi nila tinuturo ang nga maggandang gawain. Ang kanilang sinulat na natutungkol sa Smapun Utos, at mga iba pa ay nagpapakita na binigyan nila ng mabuti at kapakipakinabang na paliwanag at tagubilin tungkol sa totoong estado ng Kristiyano at mga gawa. Tungkol ditto hindi tinuturo ang katotohanan sa pulpit nung nakaraan, ang nilalaman ng kanilang pangaral ay tungkol sa mga walang silbi at salungat na gawain tulad ng pagrorosaryo, pagdasal sa mga santo, ang pagmomonghe, paglalakbay sa mga banal na lugar, pag-aayuno, pagdaos sa mga Banal na Araw, kapatiran at iba pa. Ang aming mga kaaway ang nagtuturo sa mga walang silbing gawain  na kanilang dating ginagawa, at sa ngayon ntuto na rin sila tungkol sa pannampalataya, kung saan hindi tinuturo ito sa nakaraan. Hindi na nila tinuturo na tayo’y magiging banal sa mata ng Diyos sa pamamagitan ng gawa lamang, dinagdag nila ang paniniwala at sinabing ang gawa at paniniwala ang siyang magpapabanal sa atin sa mata ng Diyos. Ang turong ito ay maaring magbigay sa atin ng kunting kaginhawaan keysa sa turo na tayo’y maliligtas sa ating gawa lamang.

     Sa ganang tungkol sa pannampalataya, na siyang pangunahing artikulo sa buhay Kristiyano, ito ay hindi nature sa matagal na panahon ( na sinang-ayunan ng karamihan) samantala ang pagtuturo tungkol sa gawa ay nangyayari sa lahat ng banda, ang mga tao ay tinuturuan na:

     Umpisahan natin sa pagtuturo na an gating mga gawa ay hindi kayang pag-isahin tayo sa Diyos o di kaya’y magbigay kaligtasan, dahil ito ay nangyayari lamang sa pamamagitan ng pananampalataya, kung saan, kung tayo’y naniniwala na tayo’y napatawad dahil kay Kristo, na siyang nag-iisang daan para tayo’y mapag-isa sa kanyang Ama. Kung sinuman ang nag-iisip na kaya nitong gawin sa pamamagitan ng kanyang gawain, o kaya niyang makuha ang grasya ng Diyos, hinahamak niya si Kristo at naghahanap ng kanyang sariling daan patungo sa Diyos na salungat sa Banal na Kasulatan.

     Ito ang turo ng pananampalataya na maliwanag at tinuro ni Pablo sa maraming kasulatan, lalo na sa Efeso 2:8, “Sa grasya kayo naligtassa pamamagitan ng pananampalataya hindi dahil sa sarili niyong gawa, handog ito ng Diyos at hindi dahil sa iyong mga gawa, walang sinumang tao ang dapat magyabang.” At iba pa.

     Sa nakaraan ang kaginhawaang ito ay hindi ipinangangaral, kung kaya’t ang mga nagugulumihanang pag-iisip ay umasa sa sariling kakayahan, at lahat ng mga gawain ay sinusunod. Ang iba’y pumasok bilang monghe sa paniniwalang may grasya sa pagiging monghe. Ang iba nama’y nag-isip ng mga gawain upang makatanggap ng grasya ng Diyos at kung paano mapatawad ang kanilang pagkakasala. Marami ang nakapagtanto na walang katahimikan sa paggawa ng mga ito. Kung kaya’t kailangang ipangaral ang doktrina tungkol sa pananampalataya kay Kristo at ipakita ito nang sa gayu’y malaman ng mga tao na ang grasya ng Diyos ay makakamtan hindi dahil sa gawa, ngunit sa pamamagitan ng panannampalataya lamang.

     Tinuturo din sa amin na ang pananampalatayang sinasabi ditto ay hindi yung sinakluban ng demonyo at mga walang paniniwala, na naniniwala din sa kasaysayan ng paghihirap at muling pagbangon ni Kristo mula sa patay, ang totoong pananampalataya ay ang paniniwalang natanggap natin ang grasya at kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ni Kristo.

     Kung sinuman ang naniniwala na kay Kristo ay may grasya, ay nakakakilala sa Diyos, tumatawag sa Kanya at hindi tulad ng mga paganong walang Diyos. Sapagkat ang demonyo at ang mga walang Diyos ay di naniniwala sa artikulong ito, tungkol sa pagpapatawad ng kasalanan, kaya sila ay salungat sa Diyos, hindi sila tumatwag sa kanya at walang pag-asang makatanggap biyaya sa Diyos, hindi sila tumatawag sa Kanya at walang pag-asang makatanggap ng biyaya sa Diyos. Sumakatuwid, tulad sa mga naipahiwatig, sinasabi ng Kasulatan ang pannampalataya ngunit hindi ibig sabihin na pareho sa pagkakaintindi ng demonyo at ang mga taong walang pananampalataya. Hebreo 11:1 tinuturong ang panampalataya ay hindi lang kaalaman tungkol sa kasaysayan kundi  ang pagkakaroon ng tiwala sa Diyos at ang katuparan ng kanyang pangako. Pinaalalahanan din tayo ni Augustinena kailangan nating maunawaan na ang ibig sabihin ng pananampalataya ay ang pagtitiwala sa Diyos, kasiguruhan na ang Diyos ay mapagbiyaya sa atin, at hindi ang kaalaman ng kasaysayanna mayroon din ang demonyo.

     Tinuturo din sa amin na ang magagandang gawain ay kailangan at dapat gawin, hindi upang makatanggap ng grasya ngunit para gawin ang nais ng Diyos at upang Siya’y dakilain. Ang pananampalataya ang siyang nagbibigay daan upang matanggap ang grasya at kapatawaran ng kasalanan. Sa pananampalataya naihahandog ang Banal na Espirito, tinutulak nito ang puso na gumawa ng mabuti. Bago yan, kung wala ang Banal na Espirito, mahina ang puso. Sa pananalita, ito’y nasa kapangyarihan ng demonyo, na siyang nagtutulak sa mga nilalang na magkasala. Nakikita natin ito sa mga dalubhasa sa pilosopiya, kung saan sila’y nanumpana mamuhay ng kagalanggalang at malinis; ito’y hindi nila nasunod, sila’y nahulog sa matindi at lantarang pagkakasala. Ito ang mangyayari kung ang tao ay walang pananampalataya at Banal na Espirito kung saan siya ay nagtitiwala sa kanyang sariling lakas at pag-iisip.

     Kung gayon ang turong ito tungkol sa pananampalataya ay dapat hindi akusahan na pag-abandona sa paggawa ng mabuting gawain, kundi dapat respetuhin dahil tinuturo nito na ang mabuting gawain ay dapat sundin at tinuturo nito kung paano ito dapat gawin. Sapagkat, kung walang pananampalataya at kung wala si Kristo, ang kaisipan at lakas ng tao ay mahina sa pagsunod ng mga mabubuting gawain, ang tumawag sa Diyos, ang magsakripisyo, ang magmahal ng kapwa, ang pagsunod sa mga iniuutos, ang maging masunurin ang pag-iwas sa kamunduhan at iba pa. Ang mga marangal at maka-Diyos na gawain ay di na magagawa kung wala si Kristo, sinabi Niya ito mismo Juan 15:5, “ Kung wala kayo sa Akin wala kayong magagawa.”






Artikulo XXI:

Ang Pagdasal Sa Mga Santo

     Tinuro sa amin na ang mga santo dapat ay nasa alaala nang sa gayu’y mas tumatag an gaming pananampalataya kung makikita naming ang grasya na kanilang tinanggap at kung paano nila ito pinagpatuloyang kanilang pannampalataya. Higit pa dun, ang kanilang magagandang gawain ay magsisilbing magandang halimbawa para sa atin, na naaayon sa bigay sa ating tungkulin. Kung kaya’t ang kagalanggalang na Emperador ay maari niyang purihin at sa maka-Diyos na paraan gayahin ang halimbawa ni David sa pakikipaglaban sa mga Turko, Sapagkat ito ay mga tungkulin ng nasa trono na kung saan kailangang depensahan at pangalagaan ang kanyang nasasakupan.

     Magkagayun pa man, walang nakasulat sa Banal na Kasulatan na maari nating tawagin o di kaya’y humingi ng tulong sa mga santo. “Meron lamang iisang tagapamagitan sa Diyos at tao, si Hesu Kristo.” (I Timoteo 2:5), na siyang tagapagligtas, ang nag-iisang mataas na pari, tagapagtanggol, at tagapamagitan sa harap ng Diyos (Roma 8:34). Siya lang ang may pangakong didinig sa ating dasal.  Higit pa dun, ayon sa Banal na Kasulatan, ang pinakamataas nan a ayos ng pananampalataya ay ang tapat na pagsamba at pagtawag sa nag-iisang Hesu Kristo sa mga panahong  nangangailangan ng tulong. “ Kung mayroong nagkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, ang Banal na si Hesu Kristo.”( I Juan 2:12).

Translation by Judah Palangyos (c) 2021


















Comments